Saturday, February 26, 2011



Ang Kwento ng Aking Buhay
Talambuhay ni Piwie A. Rejuso, IV-Science

            Kamusta? Ako, eto mabuti naman. Masaya kahit may mga problemang pinagdadaanan. Sa labing limang taon na aking pamumuhay ay masaasabi kong marami na akong napagdaanan na humubog sa akin ngayon, bilang ako. Gusto nyo ba akong makilala? Narito ang kaunting impormasyon mula sa akin. Ito ang kwento ng aking buhay…

kuha ng ako ay bata pa kasama ang aking lola

            Ika-19 ng Marso taong 1995 sa ganap na ikasiyam ng hapon sa isang bahay sa Del Remedio, San Pablo City ay isinilang ni Gng. Divina Rejuso kasama ng kanyang mapagmahal na asawa na si G. Noe Rejuso ang isang mistulang anghel na sanggol. Ang sanggol na ito ay ako, sa pangalang Piwie. Ako ay pangalawang anak ng aking mga magulang sumunod sa aking ate na si Peiyi.  At dito nagsimula ang kanyang maliit na mundo kasama ng kanyang pamilya.
            Sa mga panahong iyon ay maayos ang aking naging buhay. Ang lahat ay mistulang laro lamang dahil na rin sa aking murang pag-iiusip. Naalala ko pa na sa bawat araw ay magkasama kami ng aking ate pati na rin ang aking mga pinsan sa paglalaro. At dahil na rin sa ako ay bunso ay mahal na mahal ako ng aking mga magulang kaya’t lagi nilang ibinibigay ang lahat ng aking gusto.
            Nang sumunod na taon muking nagsilang ang aking ina ng isang sanggol . Sa pagkakataong ito ay ang sanggol ay lalaki na labis na nagpasaya sa aking mga magulang. Ang sanggol na ito ay oinangalanang Pee-Jay.
            Mula noon ay nahahati na ang atensyon ng aking mga magulang. Hindi na rin ako ang bunso. Minsan nagseselos ako noon ngunit nawawala rin naman agad. Masaya na rin ako at tatlo na kaming magkakalaro.
            Makalipas ang ilang taon ay nagdesisyon ang aking mga magulang na humiwalay mula sa aking lolo at lola upang matutong mamuhay. Ang bagay na ito ang talagang nagpalungkot sa akin sapagkat mahal na mahal ko ang aking mga lolo at lola. Pere dahil sa bata pa nga kami ay wala akong magagawa. Kailangang sumunod sa aking mga magulang.
            Marami kaming nalipatang bahay. Una na nga dito ay sa Cavite ngunit makalipas nga ang ilang taon ay lumipat din sa lugar ng aking ama, sa Masbate. Ngunit katulad na nga ng una ay hindi rin kame nagtagal sa lugar dahil na rin sa ibang pamamraan ng pamumuhay. Sa huli ay bumalik din kami sa Laguna. Nakahanap ang aking ga magulang ng isang maliit na lote sa Sabang Concepcion na piagtayuan naming ng aming bahay. Ang magsisilbing aming tahanan.
            Limang taon ako noon ng lumipat kami sa aming bagong bahay. Muli kaming nagsimula g aking mga magulang. At sa pagdaan pa ng mga panahon ay muling naumbalik ang lahat. Nadagdagan pa ito ng muling magsilang ang aking ina ng isang cute na cute na sanggol na pinangalanang Perrie na itinuring na prinsesa ng aming pamilya.
            Simula noon ay lagi na kaming Masaya. Halinhinan sa pag-aalaga sa aming baby pati na ang pagpapatulog dito. Muli ay nadagdagan ang makulay naming buhay ng lumipat ang aking paburitong mga pinsan sa katabing bahay.

larawan naming apat na magkakapatid

barkada naming magpipinsan

            Araw-araw ay kami ay naglalaro at nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay, ang aming mga pangarap at kubg anung mangyayari sa aming paglaki. Kasama na rito ang mga pangakong magtutulungan at lagging makakaalala sa isa’t-isa.

kuha ng ako'y grumaduate ng kinder

            Ilang taon pa ang nagdaan ay kami ay nagsimula ng pumasok sa paaralan. Tuwing umaga ay kakaunin kaming magpipinsan ng aking lolo na galling pa sa Del Remedio bitbit ang kanyang traysikel. Dali-dali akong bibihisan ga aking ina para di mahuli sa aking mga pinsan. Naalala ko nga ng minsang inihahatid kami ng aking lolo ay natangay ng hangin ang kanyang saklob na labis naming ikinabigla. Matya-maya ay nagtawanan na. Kung kaya’t labis labis ang kasiyahan ko tuwing kakaunin kami ng aking lolo. Mahal na mahal namin siya.
            Nang mga panahong iyon, ang buong akala ko ang lahat ay kasiyahan lamang kasama ng aking mga magulang. Walang problema habang kami ay magkakasama. Ngunit pananaw ko sa buhay na ito ay nagbago ng dumating ang mga di inaasahang pangyayari sa aking buhay. Mga pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan.
            Isang umaga noon nagising ako sa iyak ng aking ina. Takang-taka ko kung anu ang problema at maging ang tita at mga pinsan ko ay umiiyak. Sinama nila kami ng aking mga kapatid sa bahay ng aking lola sa Del Remedio ng di ko pa rin nalalaman ang nangyayari. Nang makarating kami sa bahay ng aking lola. Katulad sa bahay naming ay marami rin ang mga naiyak na aking nakikita. Maraming tao at nang pumasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko na lang ang isang puting kabaong at sinabi na lang sa akin ng aking ina na wala na si lolo. Sa aking narinig ay waring naguluhan ang aking pag-iisip at maya-maya ay nakita ko rin ang di mapigil na pag-iyak ng piakamamahal kong lola na nakapagpatyulo na rin sa luha namig magkakapatid.
            At hanggang sa araw na ililibing na ang aking lolo ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ng mga taong nakapaligid sa akin. Maging ang aking sarilu ay di ko mapigil sa pagluha. Panu nga ba ay ito angunang pagkakataon na mawalan ako ng minamahal sa buhay. Ngunit kahit sa nangyaring pagkawala ng aking lolo ay ipiangako kong mananatili pa rin sya sa puso ko bilang no.1 lolo sa buong mundo.
            Ilang buwan ang nakalipas, isang pagsubok na naman ang dumating sa aming pamilya. Ang pag-aaway ng aking mga ina at ng aking tita. Ang pangyayaring ito ay tunay nanakaapekto sa dalawang pamilya. Simula noon ay malimit na kaming maglarong magpipinsan. Hindi na rin kami sabay kung pumasok at kahit magkapit-bahay lang kami ay hindi rin madalas ang aming pagkikita.
            Sa di pagkakaunawaang ito ay namagitan ang aking lola. At upoang hindi na lumala pa ang away ay pinili ng aking mga magulang na muli ay lumipat ng bahay na malayo sa aming mga tito at tita. Ang bagay na ito ay muling nagbigay sa amin ng kalungkutan. At sa araw nga n gaming pag-alis ay wala na kaming nagawang magkakapatid kung hindi ang magpaalam sa aking mga pinsan. Pumasok tuloy sa aking isip na hindi mangyayari ito kung hindi nawala ang aking lolo.
            Lumipat na nga kami sa isang maliit na apartment sa San Ignacio. Nanatili kami rito ng  mahigit dalawang taon. Nakakilala kami ng mga baging kalaro at kaibigan. Ngunit ang malungkot lamang ay an gang halos kalahating taon na walang komunikasyon  sa aking mga pinsan, tito at tita at maging sa aking lola.

kuha ng intrams ng ako ay grade IV

kuha sa aming bahay kasama
ang aking mga kapatid
at pinsan
            Sa panahong iyon ay ako ay nasa ika-4 na baitang na sa elementarya. Nag-aral ako sa San Pablo Central School. Marami ng mga pinagdaanan at nagbago na rin ang mga pananw sa buhay. Natutong magsumikap sa pag-aaral sa tulong na rin ng aking mga magulang. Sa pagsusumikap ko nga ay nanguna ako sa aming klase at nakatakdang bigyan ng parangal sa darating na Marso ng taong iyon.
            Laking gulat ko nga ng isang araw ay dumating ang aking lola sa aming bahay. Nasorpresa ako ng malaman niya ang aming kinaroroonan sa pagtatanung-tanung laman. Labis pa ang kasiyahang aking nadama ng sabihin ng aking ina na ang aking lola raw ang magsasabit sa akin.
            Natapos na nga akong parangalan kasama ng aking lola ngunit ang aking kasiyahan ay di natapos sapagkat siula noon ay palagi na ulit nasa bahay naming ang akig loala. Sa kanya na rin naming tinatanung ang aming mga pinsan at tita.
            Isang taon pa ang nakalipas ay muli kaming lumipat ng bahay ng makaipon ng sapat na pera ang aking ama sa pagpapatayo ng bahay sa San Ignacio pa rin. Dito na nga ako grumaduate ng elementary at sa tahanan ding ito muling nagkaayos ang aking mga magulang at aking tito at tita. Muli ay nakasama naming ang aking mga pinsan.
            Ngunit ang lahat ay hindi na katulad ng dati. Ang dating mga batag naglalaro lamang ay ngayon ay mga dalaga na. May mga kany-kanya na kaming mga buhay at maging mga problema. Ang mga pagbabagong ito ay minsan ding nakakapagpalungkot sa akin ngunt sa kabila nito ay masaya na rin ako sapagkat kami ay nagkakasama pa rin kahit minsan lamang. Sa katunayan, pinanghahawakan ko pa rin ang mga pangako naming noong kami’y mga wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
            At sa aking pagtungtong sa hayskul muli ay nakahanap ako ng panibagong pamilya sa piling ng aking 24 na kamag-aral kabilang na an gaming mg mapagmahal na mga guro. Sa kianila ko natagpuan ang pangalawang pailya na mananatili sa aking isip at maging puso.

ang aking mga kamag-aral
nuong kami ay
lumaban ng
Ibong Adarna


            Ngayon nga ay nakatakda na akong grumaduate sa darating na Abril. Ngunit sa kabila ng paghihiwalay na ito ay naniniwala ako na mananatili an gaming pagkakaibigan at lahat n gaming pinagsamahan bilang isang tunay na pamilya.
            Ang aking buhay ay tunay na punong-puno ng kulay. Mga ups and downs. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nanatili akong matatag at may positibong pananaw sapagkat naniniwala akong marami pa ang mga makalang pagsubok sa akin na mas huhubog sa aking pagkatao.
            Bilang pagtatapos maraming salamat sa pagsamang alamin ang aking buhay,. Muli ako po si Piwie A. Rejuso

No comments:

Post a Comment