Saturday, February 26, 2011



Ang Kwento ng Aking Buhay
Talambuhay ni Piwie A. Rejuso, IV-Science

            Kamusta? Ako, eto mabuti naman. Masaya kahit may mga problemang pinagdadaanan. Sa labing limang taon na aking pamumuhay ay masaasabi kong marami na akong napagdaanan na humubog sa akin ngayon, bilang ako. Gusto nyo ba akong makilala? Narito ang kaunting impormasyon mula sa akin. Ito ang kwento ng aking buhay…

kuha ng ako ay bata pa kasama ang aking lola

            Ika-19 ng Marso taong 1995 sa ganap na ikasiyam ng hapon sa isang bahay sa Del Remedio, San Pablo City ay isinilang ni Gng. Divina Rejuso kasama ng kanyang mapagmahal na asawa na si G. Noe Rejuso ang isang mistulang anghel na sanggol. Ang sanggol na ito ay ako, sa pangalang Piwie. Ako ay pangalawang anak ng aking mga magulang sumunod sa aking ate na si Peiyi.  At dito nagsimula ang kanyang maliit na mundo kasama ng kanyang pamilya.
            Sa mga panahong iyon ay maayos ang aking naging buhay. Ang lahat ay mistulang laro lamang dahil na rin sa aking murang pag-iiusip. Naalala ko pa na sa bawat araw ay magkasama kami ng aking ate pati na rin ang aking mga pinsan sa paglalaro. At dahil na rin sa ako ay bunso ay mahal na mahal ako ng aking mga magulang kaya’t lagi nilang ibinibigay ang lahat ng aking gusto.
            Nang sumunod na taon muking nagsilang ang aking ina ng isang sanggol . Sa pagkakataong ito ay ang sanggol ay lalaki na labis na nagpasaya sa aking mga magulang. Ang sanggol na ito ay oinangalanang Pee-Jay.
            Mula noon ay nahahati na ang atensyon ng aking mga magulang. Hindi na rin ako ang bunso. Minsan nagseselos ako noon ngunit nawawala rin naman agad. Masaya na rin ako at tatlo na kaming magkakalaro.
            Makalipas ang ilang taon ay nagdesisyon ang aking mga magulang na humiwalay mula sa aking lolo at lola upang matutong mamuhay. Ang bagay na ito ang talagang nagpalungkot sa akin sapagkat mahal na mahal ko ang aking mga lolo at lola. Pere dahil sa bata pa nga kami ay wala akong magagawa. Kailangang sumunod sa aking mga magulang.
            Marami kaming nalipatang bahay. Una na nga dito ay sa Cavite ngunit makalipas nga ang ilang taon ay lumipat din sa lugar ng aking ama, sa Masbate. Ngunit katulad na nga ng una ay hindi rin kame nagtagal sa lugar dahil na rin sa ibang pamamraan ng pamumuhay. Sa huli ay bumalik din kami sa Laguna. Nakahanap ang aking ga magulang ng isang maliit na lote sa Sabang Concepcion na piagtayuan naming ng aming bahay. Ang magsisilbing aming tahanan.
            Limang taon ako noon ng lumipat kami sa aming bagong bahay. Muli kaming nagsimula g aking mga magulang. At sa pagdaan pa ng mga panahon ay muling naumbalik ang lahat. Nadagdagan pa ito ng muling magsilang ang aking ina ng isang cute na cute na sanggol na pinangalanang Perrie na itinuring na prinsesa ng aming pamilya.
            Simula noon ay lagi na kaming Masaya. Halinhinan sa pag-aalaga sa aming baby pati na ang pagpapatulog dito. Muli ay nadagdagan ang makulay naming buhay ng lumipat ang aking paburitong mga pinsan sa katabing bahay.

larawan naming apat na magkakapatid

barkada naming magpipinsan

            Araw-araw ay kami ay naglalaro at nagkwekwentuhan ng mga bagay-bagay, ang aming mga pangarap at kubg anung mangyayari sa aming paglaki. Kasama na rito ang mga pangakong magtutulungan at lagging makakaalala sa isa’t-isa.

kuha ng ako'y grumaduate ng kinder

            Ilang taon pa ang nagdaan ay kami ay nagsimula ng pumasok sa paaralan. Tuwing umaga ay kakaunin kaming magpipinsan ng aking lolo na galling pa sa Del Remedio bitbit ang kanyang traysikel. Dali-dali akong bibihisan ga aking ina para di mahuli sa aking mga pinsan. Naalala ko nga ng minsang inihahatid kami ng aking lolo ay natangay ng hangin ang kanyang saklob na labis naming ikinabigla. Matya-maya ay nagtawanan na. Kung kaya’t labis labis ang kasiyahan ko tuwing kakaunin kami ng aking lolo. Mahal na mahal namin siya.
            Nang mga panahong iyon, ang buong akala ko ang lahat ay kasiyahan lamang kasama ng aking mga magulang. Walang problema habang kami ay magkakasama. Ngunit pananaw ko sa buhay na ito ay nagbago ng dumating ang mga di inaasahang pangyayari sa aking buhay. Mga pangyayaring hinding hindi ko makakalimutan.
            Isang umaga noon nagising ako sa iyak ng aking ina. Takang-taka ko kung anu ang problema at maging ang tita at mga pinsan ko ay umiiyak. Sinama nila kami ng aking mga kapatid sa bahay ng aking lola sa Del Remedio ng di ko pa rin nalalaman ang nangyayari. Nang makarating kami sa bahay ng aking lola. Katulad sa bahay naming ay marami rin ang mga naiyak na aking nakikita. Maraming tao at nang pumasok ako sa loob ng bahay ay nakita ko na lang ang isang puting kabaong at sinabi na lang sa akin ng aking ina na wala na si lolo. Sa aking narinig ay waring naguluhan ang aking pag-iisip at maya-maya ay nakita ko rin ang di mapigil na pag-iyak ng piakamamahal kong lola na nakapagpatyulo na rin sa luha namig magkakapatid.
            At hanggang sa araw na ililibing na ang aking lolo ay patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ng mga taong nakapaligid sa akin. Maging ang aking sarilu ay di ko mapigil sa pagluha. Panu nga ba ay ito angunang pagkakataon na mawalan ako ng minamahal sa buhay. Ngunit kahit sa nangyaring pagkawala ng aking lolo ay ipiangako kong mananatili pa rin sya sa puso ko bilang no.1 lolo sa buong mundo.
            Ilang buwan ang nakalipas, isang pagsubok na naman ang dumating sa aming pamilya. Ang pag-aaway ng aking mga ina at ng aking tita. Ang pangyayaring ito ay tunay nanakaapekto sa dalawang pamilya. Simula noon ay malimit na kaming maglarong magpipinsan. Hindi na rin kami sabay kung pumasok at kahit magkapit-bahay lang kami ay hindi rin madalas ang aming pagkikita.
            Sa di pagkakaunawaang ito ay namagitan ang aking lola. At upoang hindi na lumala pa ang away ay pinili ng aking mga magulang na muli ay lumipat ng bahay na malayo sa aming mga tito at tita. Ang bagay na ito ay muling nagbigay sa amin ng kalungkutan. At sa araw nga n gaming pag-alis ay wala na kaming nagawang magkakapatid kung hindi ang magpaalam sa aking mga pinsan. Pumasok tuloy sa aking isip na hindi mangyayari ito kung hindi nawala ang aking lolo.
            Lumipat na nga kami sa isang maliit na apartment sa San Ignacio. Nanatili kami rito ng  mahigit dalawang taon. Nakakilala kami ng mga baging kalaro at kaibigan. Ngunit ang malungkot lamang ay an gang halos kalahating taon na walang komunikasyon  sa aking mga pinsan, tito at tita at maging sa aking lola.

kuha ng intrams ng ako ay grade IV

kuha sa aming bahay kasama
ang aking mga kapatid
at pinsan
            Sa panahong iyon ay ako ay nasa ika-4 na baitang na sa elementarya. Nag-aral ako sa San Pablo Central School. Marami ng mga pinagdaanan at nagbago na rin ang mga pananw sa buhay. Natutong magsumikap sa pag-aaral sa tulong na rin ng aking mga magulang. Sa pagsusumikap ko nga ay nanguna ako sa aming klase at nakatakdang bigyan ng parangal sa darating na Marso ng taong iyon.
            Laking gulat ko nga ng isang araw ay dumating ang aking lola sa aming bahay. Nasorpresa ako ng malaman niya ang aming kinaroroonan sa pagtatanung-tanung laman. Labis pa ang kasiyahang aking nadama ng sabihin ng aking ina na ang aking lola raw ang magsasabit sa akin.
            Natapos na nga akong parangalan kasama ng aking lola ngunit ang aking kasiyahan ay di natapos sapagkat siula noon ay palagi na ulit nasa bahay naming ang akig loala. Sa kanya na rin naming tinatanung ang aming mga pinsan at tita.
            Isang taon pa ang nakalipas ay muli kaming lumipat ng bahay ng makaipon ng sapat na pera ang aking ama sa pagpapatayo ng bahay sa San Ignacio pa rin. Dito na nga ako grumaduate ng elementary at sa tahanan ding ito muling nagkaayos ang aking mga magulang at aking tito at tita. Muli ay nakasama naming ang aking mga pinsan.
            Ngunit ang lahat ay hindi na katulad ng dati. Ang dating mga batag naglalaro lamang ay ngayon ay mga dalaga na. May mga kany-kanya na kaming mga buhay at maging mga problema. Ang mga pagbabagong ito ay minsan ding nakakapagpalungkot sa akin ngunt sa kabila nito ay masaya na rin ako sapagkat kami ay nagkakasama pa rin kahit minsan lamang. Sa katunayan, pinanghahawakan ko pa rin ang mga pangako naming noong kami’y mga wala pang kamuwang-muwang sa mundo.
            At sa aking pagtungtong sa hayskul muli ay nakahanap ako ng panibagong pamilya sa piling ng aking 24 na kamag-aral kabilang na an gaming mg mapagmahal na mga guro. Sa kianila ko natagpuan ang pangalawang pailya na mananatili sa aking isip at maging puso.

ang aking mga kamag-aral
nuong kami ay
lumaban ng
Ibong Adarna


            Ngayon nga ay nakatakda na akong grumaduate sa darating na Abril. Ngunit sa kabila ng paghihiwalay na ito ay naniniwala ako na mananatili an gaming pagkakaibigan at lahat n gaming pinagsamahan bilang isang tunay na pamilya.
            Ang aking buhay ay tunay na punong-puno ng kulay. Mga ups and downs. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay nanatili akong matatag at may positibong pananaw sapagkat naniniwala akong marami pa ang mga makalang pagsubok sa akin na mas huhubog sa aking pagkatao.
            Bilang pagtatapos maraming salamat sa pagsamang alamin ang aking buhay,. Muli ako po si Piwie A. Rejuso

Monday, February 14, 2011

The History of my Blog's Name

The History of my Blog’s Name
            “I’ll be there for you through it all, even if saving you sends me in heaven.”
            I know this line is very much familiar to you. A line from Your Guardian Angel by Red Jumpsuit Apparatus. This line is very emotional that catch my attention as well as my feelings for its touching message. But what is the relationship of this line on my blogs name? Try to read this and find out why.
            I personally choose “imforeveryourguardianangel” as my blogs name. I can give you a lot of reason why I choose this name. My first reason is that with this simple thing I can show my whole concern to all the people that surround me and whose always there for me at all times without asking what I need or what I want.
            In my life there’s so many people that I have encountered. Some become a friend, others became an enemy but despite of it I’m still thankful to have them in my life.
            One part of my life is my high school life. I consider this part of my life as the best thing that I ever have. In this life I was given a chance to meet different kind of people with different characteristics. I’m very much scared to enter this new stage of my life. But I just pray and get some support in my family.
            At first I feel so uncomfortable in entering Dizon High for my high school life. But I don’t expect that I will treasure this part of my life that much. Why?
            This is because this is where I found my second home and even my second family. My scyberphoenix family. This family is composed of twenty-five different people with different characteristics, personalities and ambitions in their life. But it is not a problem for us to get closer together. In fact, this factors challenges us to get closer and better with each other treating everyone us brothers and sisters.
            We have spent many experiences together. We usually compete as a group with whole effort, determination and cooperation with one another. We always try to give our very best for every activity that we participated for we know that all teachers have their big expectation on us. And that’s why they call us “the cream of the crop”.
            But it’s not just the happiness for us at all time. Sadly, we often feel that we are being judge and rejected by other people. They always think that we are different at all times. They was unable to see the real us, simple, friendly, and just an ordinary student like them.
            And like I have said other people don’t like us. And sometimes I’m one of those people that they really don’t like. This brought sadness in me. I can’t understand why they can see who I am as a simple student. They don’t even give me a chance to prove myself and my worth to them.
            Different judgment really bothers me in entering in school. But I’m so thankful to have my IV-Scyberphoenix family there that always support and give me a determination on dealing with my problems. They made me realized that I don’t need to accept the judgments that others say about me or they know the real me. My IV-Scyberphoenix family always makes me smile whenever I’m sad, serve as my shoulder to cry on when I’m upset and about to lose hope and give me a positive outlook when facing problems that wakens  me.
            For our four years together as a family, we have encountered many problems, issues, trials and even troubles and judgments or in other words many ups and down that bring us more closer and stronger. For every problem that we have to make sure that each of us is okay because we believe that no one should be left behind or forgotten. That’s what a family. Right?
            I consider my IV-Scyberphoenix family as the best that ever happen and came to my life. And it’s just so sad that this wonderful experience will need to end soon. As the quotation implid every good thing should come to an end.
            As I observed, w fourth years student have only few days to hang-out with our friends and stay in Dizon High, the school I have fir almost four years.
            And for the remaining three weeks were together I want to spend it together with my classmates for I know that this maybe that this is the last time were together as a family. I will treasure every single laughter w will share together with one another so that when the time come we need to separate I’m prepared to say the word goodbye even if it hurts a lot.
            Finally this is the reason why and how I choose my blogs name. I certainly and whole-heartedly offer this to my IV-Scyberphoenix family for every big and small thing they made to me. For treating me as their sister, for giving smile on my face, and for the love and care they made me feel. And most importantly for making me feel that I’m not alone and that they are always there beside me in times I needed someone to share my problems with.
            Maybe for the last time I want to give back everything that they gave to me. I want to serve as their shield. Protector, shoulder to cry on like a guardian angel that will always protect them from harm.
            For this very final moment I want my IV-Scyberphoenix family to know how thankful I am to have them in my life and I will never forget that I met great people like them. I also want them to take in mind that whatever happens I’m forever at their side to give my whole support and advice when they needed one. I hope they will realize that distance is not a reason to forget one another because our friendship won’t stop.  Memories will always be in our mind, in our hearts.
            Once again, it’s me piwie, IV-Sience and this is the history of my blogs name here at imforeveryourguardianangel@blogspot.com.

syberphoenix
2010-2011

I am a responsible Netizen

How to be a good Netizen                   
            We are living in the world of modernization. This new products of technology makes our daily living easier and more comfortable. In fact this new products are really made just for the benefits of us, people. It is all guaranteed for the sake of us.
            One good example of these new products that prove the development of the society is the access in the internet. Internet as we all know refers to the shared computing network. In other words it is a technology that provides with a vast knowledge on different areas that w wish to know in just a single click. It makes our studies and work easier through the knowledge it provides.
            Internet does not only help in our studies but it also contains many applications like games and some social networking that interest many teenagers or even other people of different ages of nowadays.
            Internet is definitely one of the best things that technology gave us. But with this gift we should learn how to treasure and use this technology in a proper way. As I can observe from today many of the people take this technology for granted. They don’t even understand what internet is for. They just use it for fun and for their own sake.
            This issue is very alarming if you will ask me. For me one should learn their part as a user of internet. One should b a good netizen. But what is this netizen?
             Netizen was derived from the word Internet and citizen.  They are also called as the cybercitizen. They are the people that are actively involved in online activities. Most especially those people who used internet to write articles, post videos or blogs, and are contributing to different internet group.  Netizen are also the people that become part and participates in the internet society. In other words we can all be considered as a netizen.
            Being a good netizen is just an easy job if you will think of it. We could all be a good netizen if we will just follow all the guidelines on how to become one.
             One should know what really internet is for. We should all take in our mind that internet has it limitation. Internet is not just for fun, games, meeting other people. The main objective of having internet is to provide us with a vast knowledge in our society.
            To make it clearer there are some rules or should I call it some commandments on how to use the internet wisely or how to become a good netizen as well.
            The first from it is one should not trust other to protect their privacy. This is one responsible of a good netizen. It can be imply when using google, facebook and any other application in the internet. One should always be responsible in protecting her own privacy and ensuring that he is protected.
            Another guideline is that make sure that when you are using the internet you are always aware on what you are clicking on and where it will take you. Never believe that you won some free stuff that you never registered for. One should also be careful on what they see and who sees it. All too often, people forget that their spouse is on their Facebook account when they change their relationship status to single. They sometimes even forget they added that snitch in the office last week when they want to vent about work. Thou shall be careful with his mouth on the net and count to 10 before submitting. Another guideline is that one should also vent on the net anonymously. If you feel the need to vent on the internet, you shall do so anonymously. That way, you will not have to worry about who knows about it and what you end up saying. It is therapeutic to have a secret blog or forum to vent in. One should not also believe in everything they read on the net. They should know what to believe in and what should not. Another thing is that one should discoinnect. Every once in a while you will need to disconnect yourself from the net and go into the wild. Rediscover reality and bring back all those raw thoughts back with you to the net. That will refresh you and allow you to wind down. That means not wireless connections, no blackberries, and preferably no cellphones.
            These are some of ways on how to be a good netizen. But you in yourself should know how to be a good one in your own ways. Like myself.
            Like I have said each of us should know the proper usage of internet. In me, when I’m using internet I see to it that everything I will do is for my studies and nothing else for I know that I should use it wisely. I also take in mind the benefits in provided me such as the chance of meeting and connecting to other people through its variety of social networking like facebook, twitter and etc.
            But in another part of it it’s just so alarming that many people are using it in a very outrageous manner. Some of them are using it just to create some problems like editing photos, spreading different videos and even virus. This is the bad side of using internet. Using it for non-sense activity just for fun, just for their own sake.
           
I just hope that people like them will be lessened. That every user should apprehend that having this internet is a big opportunity given to us. It is made for us to explore and learn more things. Therefore we should use it in a rightful and productive ways So instead of just playing with it, one should treasure it.
Remember that every user of internet should learn how to be a good one. And I just hope that everyone is a responsible one. Me in myself  will try my best to use the internet in productive way and ensure that I will be a good netizen of it. How about you? Are you a good netizen??


Clash of the Titans





CLASH OF THE TITANS
Direktor:
Tagapagsulat:
Travis Beacham (screenplay), Phil Hay (screenplay)



Mga Tauhan:


Sam Worthington ...  Perseus
Liam Neeson ...  Zeus
 Ralph Fiennes ...  Hades
 Jason Flemyng ...  Calibos / Acrisius
Gemma Arterton ...  Io
Alexa Davalos ...  Andromeda
Tine Stapelfeldt ...  Danae
 Mads Mikkelsen ...  Draco
 Luke Evans ...  Apollo
 Izabella Miko ...  Athena
 Liam Cunningham ...  Solon
 Hans Matheson ...  Ixas
 Ashraf Barhom ...  Ozal
 Mouloud Achour ...  Kucuk
 Ian Whyte ...  Sheikh Sulieman
 Nicholas Hoult ...  Eusebios
Vincent Regan ...  Kepheus
 Polly Walker ...  Cassiopeia
 Katherine Loeppky ...  Aged Cassiopeia
 Luke Treadaway ...  Prokopion
 Pete Postlethwaite ...  Spyros
 Elizabeth McGovern ...  Marmara
 Sinead Michael ...  Tekla
Ross Mullan ...  Pemphredo
 Robin Berry ...  Enyo
 Graham Hughes ...  Deino
Martin McCann ...  Phaedrus
 Rory McCann ...  Belo
 Kaya Scodelario ...  Peshet
Alexander Siddig ...  Hermes
Tamer Hassan ...  Ares
Danny Huston ...  Poseidon
William Houston ...  Ammon
 Jamie Sives ...  Captain
 Phil McKee ...  Harbourmaster
 Geoffrey Beevers ...  Noble (Basilica)
 Michael Grady-Hall ...  Citizen 1 (Argos)
Laura Kachergus ...  Citizen 2 - Argos
Adrian Bouchet ...  Soldier (Zeus Statue)
 David Kennedy ...  Kepheus' General
 Nina Young ...  Hera
Jane March ...  Hestia
Nathalie Cox ...  Artemis
 Agyness Deyn ...  Aphrodite
 Paul Kynman ...  Hephaestus
 Natalia Vodianova ...  Medusa
 Charlotte Comer ...  Demeter
Produced by


Kevin De La Noy ....  producer 
William Fay ....  executive producer 
Lynn Harris ....  production executive 
Basil Iwanyk ....  producer 
Jon Jashni ....  executive producer 
Karl McMillan ....  associate producer 
Thomas Tull ....  executive producer 


  Musika
Ramin Djawadi   
 Sinematograpiya
Peter Menzies Jr.   (direktor of potograpiya) 
Buod
            Ang kwento ay nagsimula sa bayan ng Argos na matatagpuan sa Grece. Sa panahong ito ay may nabubuong alitan sa pagitan ng mga tao at ng mga makakapangyarihand diyos. Mayroon ding tatlong hari mula sa Olympia na sina Zeus (Liam Neeson), Poseidon (Danny Huston), and Hades (Ralph Fiennes) na sangkot sa mga labanan ng mga panahong iyon. Si Hades ay ang siyang pinipilat na taluninin ang mga Titans sa pamamagitan ng paglikha ng mapamuksang Kraken. Dulot nito ay nagapi ang mga Titans at naging dahilan upang likhain ni Zeus ang mga tao. Si Zeus ang siyang mamahala sa mga tao samantalang si Poseidon ang maghahari sa karagatan. Samantala, si Hades ay naipatapon  at ang siyang naghari sa kadiliman. (Underworld)
 Samantala isang mangingisda sa kataunhan ni Spyros ( Pete Postlethwaite) ang nakakita sa isang baul sa karagatan kung saan napapaloob ang isang sanggol, si Perseus at ang kanyang patay na ina, si DanaĆ« (Tine Stapelfeldt). Sa kanyang nakuha ay nagpasya si Spyros na ituring ang sanggol na isang tunay niyang anak.
            Makalipas ang ilang taon ay ganap ng naging isang makisig na binata si Perseus. Isang araw, habang nangingisda sila ng kanyang pamilya ay nasaksihan nila ang grupo ng mga sundalo mula sa Argos na sinisira ang rebulto ni Zeus na nangangahulugan ng ganap na digmaan sa pagitan ng mga tao at mga diyos. Makalipas ang ilang sandal ay nagpakita si Hades at ipinag-utos sa mga alagad, hapies na paslangin ang mga sundalong ito bago niya patayin si Perseus at ang kanyang pamilya.
            Ang mga nakaligtas na sundalo ay agad na dinala si Perseus pabalik sa Argos. At sa isang selebrasyon para sa mga nakaligtas ikinumpara nina Haring Kepheus (Vincent Regan) at Reyna Cassiopeia (Polly Walker) ang kanilang anak na si Prinsesa Andromeda (Alexa Davalos) sa ,mga diyos na itinuring na isang insulto sa mga ito.
            Agad na hinarap ni Hades si Zeus dahil sa nangyari at pinilit itong tigilan na ang pagprotekta sa mga tao. Pinayo rin niya ang pagbibigay ng kaparusahan sa Argos dahil sa ginawa nilang kalapastanganan. Biglang lumitaw si Hades sa palasyo. Sinabi niya na sial ay pinarusahan at dapat na ialay si Prinsesa Andromeda kung nais nilang makaligtas. Binigyan sila ng 10 araw para dito. Binunyag nya din ang tunay na katauhan ni Perseus bilang isang tao at diyos, anak ni Zeus. Sinabi nya din na siya ang susi sa kaligtasan ng prinsesa.
            Hiniling ng hari ang tulong ni Perseus upang iligtas ang kanyang anak ngunit agad na tumangi ito. Isang babae naman sa katauhan ni Io (Gemma Arterton), isang nilalang na pinarusahan ng mga diyos ng hindi pagtanda            . Ibinunyag nito na si Perseus ang kanyang buhay, na si Acrisius (Jason Flemyng) ang dating hari ng Argos  ay pinarusahan ni Zeus sa pagpapakasal kay DanaĆ«. Inilagay nito si Perseus at ang kanyang namatay na ina sa isang baul at itinapon sa dagat. Ito ang labis na nakapagpagalit kay Zeus kung kaya’t pinatamaan niya ito ng kidlat na nag-iwan ng kubos na pinsala dito.
            Dahil sa natuklasan, nagpasya si Perseus na tumulong sa pagpaslang sa Kraken bilang paghihiganti kay Hades. Kasama ang mga magigiting na sundalo ng Argos at Io ay sama-sama silang naglakbay upang mapatay ang Kraken at iligtas ang prinsesa.
            Sa gitna ng kanilang paglalakbay ay natuklasan ni Perseus ang isang espada na nagtataglay ng isang kapangyarihan sa oras lamang na ito ay nasa kanyang kamay. Nagpakita rin si Zeus kay Perseus at ipinagkakaloob sa kanya ng espada at ang isang pambihirang kabayo na si Pegasus na kanya rin namang tinanggihan sapagkat ayaw niyang maging isang diyos. Si Calibos, alagad ni Hades ay pinag-utusang pigilan ang grupo ni Perseus. Sa pakikipaglaban ng grupo rito ay marami sa kanila ang nasugatan at ang iba pa ay namatay. Binalak rin nitong patayin si Perseus subalit siya’y nabigo at naputol ang kamay. Sa mga dugo naman na pumapatak mula sa naputol nitong kamay ay nabuo ang mga higanteng alupihan na nagnais rin na patayin sial. Halos matalo na sila ng mga ito. Salamat na lamang at sila ay tinulungan ng mga Djinn, isang grupo ng  mga nilalang na naririhan sa disyerto na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan. Dahil sa labanan ay marami sa tauhan ni Perseus ang labis na nasugatan at muli namang tinulungan ng mga Djinns a pamumuno ni Sheikh Suleiman (Ian Whyte), na naging bahagi na rin ng grupo.
            Ang grupo ay nakarating sa Hardin ng Stygia. Mula rito ay napag-alaman nila sa tulong ng mga Stygian Witches na ang ulo ni Gorgon Medusa (Natalia Vodianova) lamang ang tanging makakatulong sa kanila upang mapuksa ang Kraken nbgunit sa paraang ito ay maaari silang mamatay. Nang sila ay makaalis na ay muling nagpakitra si Zeus kay Perseus at inalok ng karangalan sa Mount Olympus. Sa ikalawang pagkakataon ay ito ay kanyang tinanggihan. Sa halip ay pinagkalooban na lang siya ni Zeus ng isang gintong sandata na sa paglaon ay natuklasan niya na ito ang makakatulong sa kanya upang dalhi sa Charon sa Underworld.
            Agad nilang tinungo ang lokasyon ni Medusa. Si Io ay nanatili sa labas dulot na rin ng isang salamangka ni Medus na nakapagbabawal sa mga kababaihan na pumasok sa kaniyang lugar. Ang grupo ay nakipaglaban kay Medusa ngunit ang lahat maliban kay Perseus ay nasawi. Tumungo si Perseus sa labas upang balikan si Io. Ngunit sa halip ay nakita niya si Calibo na pinaslang si Io. Ito ay labis niyang ikinagalit at sa tulong ng sandatang nagmula kay Zeus ay nagapi niya ito at nagbalik sa kanya sa pagiging tao bilang si Acrisius. Sa huling mga sandali ng buhay niya ay binilin kay Perseus na huwag maging isang diyos. Nanatili naman si Perseus sa piling ni Io hanggang ito ay tuluyang bawian ng buhay. Matapos ito ay agad siyang sumakay kay Pegasus at nagmadaling tumungo sa Argos bitbit ang ulo ni Medusa na makakapuksa dito. Samantala sa Argos ay inalay na ng mga tao ang prinsesa sa Kraken para sa kanilang kaligtasan.
            Tuluyan ng nakabalik sa Argos si Perseus ngunit nagpadala pa ng mga alagad si Hades upang siya’y pigilan. Tinalo naman niya ang mga ito maging ang Kraken sa tulong ng ulo ni Medusa na nagbalik dito sa pagiging bato bilang Kepheus bago pa nito tuluyang patayin si Prinsesa Andromeda. Agad na nagpakita si Hades at nagtangkang patayin si Perseus sa kanyang sariling mga kamay. Ngunit siya ay nabigo sapagkat si Perseus ay ganap ng isang diyos. Dahil din dito ay muling naipatapon si Hades sa Underworld.
            Sa huli ay nailigtas ni Perseus angArgos mula sa pagkawasak. Sa kabayanihan niyang ito ay inalok siya ni Prinsesa Andromeda na maging hari ng Argos sa kanyang tabi ngunit ito ay kanyang tinanggihan. Sa huling pagkakataoin ay muling nagpakita si Zeus at inalok siya na maging isang diyos ngunit ito ay muli niyang tinanggihan. Dahil dito’y pinaalalahanan na lamang niya si Perseus na mag-ingat sa muling pagbabalik si Hades sa mundo upang maghasik ng kadiliman. Bago tuluyang magpaalam ay muling binuhay ni Zeus si Io upang makasama ni Perseus. Sa piling ni Io ay nanatili si Perseus sa lupa bilang isang tao.








Paglalakbay sa Dizon High University




Paglalakbay sa Dizon High University
Ang bayan ng San Sinukuban ay isang bayan na maituturing na lugar ng kaguluhan. Isang lugar na tila ba napag-iwanan na ng panahon. Sa bawat kanto ay makikita mo ang mga taong kakikitaan ng hindi kagandahang mga pag-uugali. Sa umaga pa lang ay maririnig mo na ang ingay sa bawat bahay at nadoon din ang mga inang wala ng ginawa kung hindi ang magtsismisan na pawing wala naming katotohanan. 
Sa lugar din na ito matatagpuan ang isang dalagang tila naiiba sa lahat. Isang dalagang masayahin, matulungin, mapagkumbaba at talagang kinagigiliwan ng lahat. Siya ang nagsisilbing pag-asa sa mga mamamayan ng San Sinukuban. Isang batang tunay na dala ay kasiyahan sa bawat isa.
Ang batang ito ay nagngangalang Sakura Miaka o kung tawagin ng iba ay SM. Si SM ay isang simpleng dalaga na naninirahan sa kanyang butihing Tiyo Mark at Tiya Jane na kumupkop sa kanya ng siya’y maulila sa kanyang mga magulang. Siya ay itinuturing na tunay na anak ng kanyang tiyo at tiya na labis na nagpapasaya sa kanya.
Nakagawian na ni SM na umpisahan ang kanyang araw sa pagdadasal ng pasasalamat sa Panginoon. Matapos ito ay dederetso siya sa tindahan sa kabilang kanto upang bumili ng kanilang agahan.

Dizon High University
Noon nga ay pumunta na aiya sa tindahan. Matapos bumili ay isang misteryosong lalaki ang lumapit sa kanya at bumulong ng “matagal na kitang hinahanap”. Matapos ang kahinahinalang katagang ito ay agad na nawala ang lalaki na labis niyang ikinatakot.
Nang siya ay nasa daan na pabalik sa kanilang bahay ay di pa rin niya makalimutan ang nangyari maging ang pamilyar na tinig na kanyang narinig ilang minute pa lamang ang nakakalipas.
Siya’y agad na sinalubong ng kanyang Tiya Jane at inihanda na ang kanyang binili upang sila’y makakain na ng agahan. Matapos makakain ay agad na siyang nagbihis at naghanda sa pagpasok sa paaralan. Bago tuluyang umalis ay nagpalm na siya sa kanyang tiyo at tiya at labis ang pagtataka sa damdaming kanyang naramdaman. Damdamin na waring siya ay mahihiwalay sa kanila.
Nang mag-aabang na siya ng sasakyan ay laking pagtataka niya ng siyang tigilan ng isang bus na waring nagmula pa sa isang sopistikadong unibersidad na ngayon pa lamang niya nakita sa kanilang lugar. Pinilit din siyang sumakay dito. Sa una ay siya’y mapagkumbabang tumanggi sa drayber ngunit ng sabihin sa kanya nito na ang bus ang talagang nakatakdang sumundo sa kanya ksabay pa ng pagpapakita nito ng kanyang I.D na mula nga sa kanilang paaralan ay siya’y napasakay na din.
Nang siya’y nasa loob na ay labis ang hiya niya ng makitang ang mga nasa loob ng bus ay waring mga edukado at galling sa isang magandang pamilya. Nawala lamang ang kanyang kaba ng siya’y alukin sa upuan ng isang estudyante. Si Susi mayumi at magandang dalagang nag-aaral sa isang sikat na unibersidad.
            Habang tumatakbo ag oras ay nagtataka siya kung bakit iba ang kanilang dinaanan. Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan at laking gulat niya ng ibang paaralan ang kanilang tinigilan. Nang basahi niya ang pangalan ng paaralan, ito ay DIZON HIGH University, na may kasunod pang linyang, “Developing the powers inside you..”  na inakala niyang isang paraan lamang upang pagandahin ang impresyon sa paaralan.
Nang tuluyan silang pinapasok sa loob ay halos himatayin siya ng makita ang di inaasahang eksena.  Naroon ang mga batang nagsisiliparan, mga kalalakihang naglalabas ng laser mula sa kanilang mga mata at iba pang mga di kapanipaniwalang tagpo. Dahil sa nakita ay agad siyang nagtatakbo palabas upang lumayo nang isang babaeng nakasalamin na nakasakay sa isang pambihirang walis ang humarang sa kanya.
Nagsalita ang babae at nagpakilala bilang si Ms. Nathalie na nagbigay ng kaalaman sa kanila kung anong dahilan at sila ay tinipon. Ayon sa kanila ang paaralang Dizon High ay isang paaralan na humuhubog sa mga di ordinaryong kakayahan ng mga mag-aaral. Ang lahat sa kanila na naroon kabilang na si S.M ay nagtataglay ng mga kapangyarihan. Ipinaliwanag din na pinagsama-sama sila para sa isang misyon. Ang protektahan ang paaralan sa masasamang mga tao na nagbabalak na sakupin ang paaralan upang hubigin ang bawat bata sa masasamang gawi.
MAPEH
Matapos ang pagpapaliwanag ay inilibot silani Ms. Nathalie sa pambihirang paaralan ng dizon High. Sinimulan ito sa pagpapakilala sa mga guro na sa paaralan ay tinatawag bilang masters na may kanya-kanyang espesyalisasyon. Sunod nilang pinuntahan ang library hall ng paaralan na talagang makabago sapagkat ito ay may mga espesyal na monitor kung saan sasabihin mo na lamang ang iyong katanungan at agad itong tututgunan. Dito rin hinahasa ang kakayahan sa pisikal, mental, sosyal at emosyonal na parte ng isang mag-aaral. May malaki din itong oval na nababalutan ng isang barrier. Dito naman nagaganap ang mga mahahalagang okasyon sa paaralan. Huli nilang binisita ang tinaguriang puso ng paaralan. Ang MAPEH ( Master of the Academy, Power Enhancement Hall) kung saan nakalagay ang batong nagpapanatili ng balance ng kapangyarihan ng kasamaan laban sa kabutihan. Dito matatagpuan ang tagapagtaguyod ng paaralan na punong-puno ng misteryo. Walang sinuman ang nakakakilala sa kanyang katauhan bukod sa kaalamang siya’y isang lalaki.
Ilang araw na rig namalagi si S.M sa paaralan at sa mga panahong ito ay nakatagpo din syan na mga kaibigan. Ang bunso sa barkada na si Athena, ang tahimik at mahinhing si Autumn, ang masayahin at palabang si Reset at ang unang kaibigan niyang si Susi.
Sa pananlagi nila sa paaralan ay nahubog ang kanilang mga natatnging kakayahang ngayon lamang nahubog. Ag kakayahang magbigay ng lakas at buhay sa mga nilalang ni Athena, ang kakayahang pagpalit-palitin nag panahon ni Autumn, ang kakayahan kontrolin ang panahon ni Reset at ang kakayahang lumipad ni Susi. Sa kanila ay si S.M na lamang ang hindi nakakatuklas ng kanyang kakayahan na naging dahilan upang siya’y sumuko na lang at dahil din sa pag-aalala sa kalagayan ng kanyang tito at tita ay nagpasya siyang umalis na lamang ng walang paalam.
Kinabukasan, isang masamang pangyayari ang naganap sa Dizon High. Sumugod ang masasamang tao sa pamumuno ni Voltaire. Lahat ng mag-aaral ay lumaban sa mga masasama ngunti masyadon g malakas ang mga ito sahilan upang mawalan na sila ng pag-asa.
Samantala si S.M ay kasalukuyang naglilinis ng bahay ng walang anu-ano’y biglang nagpakita ulit sa kanya ang misteryosong lalaki. Ipinaliwanag ang nangyayari sa paralan at sinabing magtiwala lang siya sa kanyang sarili. Bago mawala ay pinaalalahan muna siya na ang kapangyarhan ay hindi hinahanap sapagkat ito ay nasa puso lamang. Biglang napaisip si S.M dahil dito.
Patuloy naman ang kasamaang nagaganap sa paaralan. Sina Voltaire sa MAPEH uoang sirain ang baton a bumabalanse sa kasamaan at kabutihan. Sa kasamaang palad ay wala ng sinuman ang makapigil sa kanila. Laking gulat na lamang ng mga ito nang buksan ang pintuan ay andoon si S.M.
Nang susugudi na ng mga ito si S.M ay labis ang kanilang pagtataka sa kanilang nakitang lakas ni S.M. Alam na niya ang kanyang kapangyarihan. Lakas, bilis at kakayahang lumipad. Dahil ditto ay agad niyang natalo ang mga ito.
Masayang nilapitan ng mga mag-aaral at master si S.M. Labis ang pasasalamat ng mga ito sa kanya. Ilang sandali pa ay isang pamilyar na tinig ang kanyang narinig. Nakilala ito bilang ang misteryosong nilalang na nagtatag sa paaralan at ang pareho ding tao na lagging nagpapakita kay S.M.
Sa huli ay natuklasan na si ang nilalang na ito ay ang ama ni S.M. Na lagging nagbabantay sa kanya at sinisuguradong nasa mabuti siyang kalagayan. Halos maluha niyang niyakap ang kanyang ama na matagal na siyang nangulila. Sa huli ay nagpalakpakan ang lahat sa pangyayaring nasaksihan.
Makalipas ang ilang buwan. Ang btang si S.M ay nanatili pa rin sa kanyang ordinaryong buhay kasama ng  mga kinalakihang mga magulang .Sa tulong din ng kanyang angking kakayahan ay unti-unti ng nagpapakita ng pag-unlad ang San Sinukuban . Sa katunayan ay nagging maayos na ang pamumuhay ng lahat ng mg residemte nito at ang lahat ay nagpapasalamat sa pagdating ng kanilang pagasa, ang dalagang si S.M.
Ngunit sa kabilang bahagi naman ng kanyang mundo ay patuloy pa rin siyang nag-aaral sa misteryosong paaralan kung wala siyang pasok sa tunay na paaralan. Sa lugar na ito ay patu;oy na nhuhubog ang kanyang kakayahan at nakakasama abg mga kaibigan. At higit sa lahat ay ditto niya nakakasama ang kanyang mahal na ama.
Sa huli ay labis ang kanyang pasasalamat sa lhat ng magagandang nangyari sa kanyang buhay. At ang lahat ng ito ay hindi niya kinakalimutan ang sanhi ng lahat Ang pagdating sa kanya ng pinakamagandang lugar sa buong mundo. Walang iba kung hindi ang unibersidad ng DIZON HIGH, “Developing the power inside you”.